Pinag-uusapan ngayon sa social media ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng pwesto sa gobyerno ang mga kasamahan ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang mga ka- grupo nito sa girl group na Mocha Girls.
Naganap ang pagkikita ng Pangulo at ang mga ka grupo ni Uson sa Hong Kong.
Sa lumabas na video, sinabi ng Pangulo na posibleng marami lamang naiinggit kay Mocha kaya binabatikos ang appointment ng huli.
Kasabay nito ay inalok naman ng Pangulo ang mga ka – grupo ni Mocha ng posisyon na posibleng sa MTRCB o sa iba pang ahensya basta paghihiwalayin nya umano upang hindi maging ingay ang mga ito.
Sumundot naman si Mocha na maari naman sa opisina na lamang nya italaga ang kanyang mga kapwa dancer.
Humirit pa ang pangulo na bibitbitin nya ang Mocha Girls sa kanyang mga foreign trips upang magbigay ng ligaya sa mga Pilipino sa ibang bansa.
Pangulong Duterte nagbibiro lang – Asec. Mocha Uson
Nagpaliwanag si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa naging alok ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga ka- grupo sa Mocha Girls.
Ayon sa Facebook post ni Uson, nagbibiro lamang ang Pangulo nang sabihin nito na bibigyan ng posisyon sa gobyerno ang kanyang kasamahan.
Aniya, hindi naman dapat seryosohin at palakihin ang sinabi ng Pangulo dahil nasa gitna sila biruan nang sabihin ito.
By Rianne Briones