Marami pang opsiyal ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte pagkabalik nito sa Maynila.
Sinabi ito ng Pangulo sa 16th Founding Anniversary ng Supreme Tribal Council for Peace and Development Incorporated sa Davao City.
Wala namang ibinigay na detalye ang Pangulo sa kung sinu-sino ang mga masisibak na opisyal.
Una na ring sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nais ng Pangulo na baguhin ang komposisyon ng gabinete nito dahil sa hindi aniya kuntento ang punong ehekutibo sa ilang miyembro nito.
Matatandaang ilang opisyal na rin ang nasibak ng Pangulo dahil sa alegasyon ng korupsyon at sobra sobrang biyahe sa ibang bansa.
—-