Limang personalidad ang pinagpipilian ng Pangulong Rodrigo Duterte na mabasbasan niya bilang Presidential candidate ng administrasyon sa 2022 national elections.
Kabilang sa mga pinagpipiliang maging ‘the anointed one’ ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sina Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio, Senador Bong Go, Senador Manny Pacquiao, dating Senador Bongbong Marcos at Manila Mayor Isko Moreno.
Gayunman sinabi ni Roque na hindi pa rin sang-ayon ang Pangulo na sumabak sa Presidential Elections si Mayor Sarah.
Wala pa rin naman aniyang pasya ang presidential daughter kung tatakbo sa presidential election.
Si Pacquiao ay Pangulo ng PDP Laban kung saan tumatayong chairman ang Pangulong Duterte samantalang miyembro ng partido sina Moreno at Go na long time aide at pinagkakatiwalaan ng Pangulo.