Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete ang biyudo ng yumaong si Senador Miriam Defensor-Santiago.
Hinirang ng Pangulo bilang Presidential Adviser for Revenue Enhancement si Atty. Narciso “Jun” Santiago, dating Interior at Local Government Undersecretary at ex-Customs Official.
Si Atty. Santiago ang kakatawan sa Pangulo at magsisilbing chairman ng Committee for Accreditation of Cargo Surveying Companies o CACSC na may tungkuling magbigay at pagpapahintulot sa accreditation ng cargo surveying companieso surveyors.
Bukod kay Santiago, kabilang din sa mga itinalag sina Louis Acosta bilang Court of Appeals Associate Justice; Paolo Villa-Agustin Santos bilang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB Board Member;
Kennedy Costales bilang Executive Director 3 ng Philippine Fiber Industry Development Authority sa ilalim ng Department of Agriculture; Hermilando Mandanas bilang chairman ng Regional Development Council-Region 4a ng NEDA o National Economic and Development Authority;
Juan Carlo Singson Medina, bilang chaiman ng Regional Development Council – Region 1 ng NEDA; Junie Cua, bilang chaiman ng Regional Development Council, Region 2 at Bernardita Leonido Catalla, bilang ambassador to Lebanon.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping