Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard kaugnay sa naging pahayag nito ukol sa methamphetamine hydrochloride o shabu.
Sa pamamagitan ng Twitter, tinukoy ni Callamard ang naging pahayag ng American Professor na si Carl Hart na walang direktang ebidensya na nakasasama sa utak ang paggamit ng shabu.
Ayon kay Duterte, taliwas ito sa naging karanasan niya simula pa noong naging alkalde siya ng Davao City kung saan nagiging ugat ng kaguluhan at pagpatay ang paggamit ng shabu.
Kinuwestyon pa ng Pangulo ang pagdemanda sa kanya sa International Criminal Court gayong mismong si Callamard ay naniniwalang walang epekto ang paggamit ng iligal na droga.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte