Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko ng Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ito ay matapos na maipaabot sa Pangulo ang patuloy pa ring pagkontra ng ilang grupo sa TRAIN Law na nagdulot ng pagsipa ng presyo sa ilang pangunahing bilihin.
Sa isang pribadong meeting, sinabi ng Pangulo huwag na lamang magbayad ng buwis ang mga taong tutol sa pag-iral ng TRAIN.
Ngunit dapat aniyang na maging handa sakaling habulin naman sila ng Bureau of Internal Revenue o BIR.
Matatandaang nagpasaklolo na sa Korte Suprema ang ilang miyembro ng Minority Bloc sa Kamara para harangin ang pagpapatupad ng TRAIN Law.
—-