Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may hinala siyang patay na ang mahigit sa 30 nawawalang mga sabungero.
Ayon sa pangulo, ang mga sabungero na nawawala ay hindi malayong nanabotahe ng laban at ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbabad sa tubig ng manok para sipunin at magkasakit.
Anang pangulo, posibleng nahuli ng mga sindikato ang pananabotahe ng mga ito kaya nalagay sa peligro ang kanilang buhay at maaari rin aniyang pumusta rin ang mga sabungerong ito.
Nauna nang inatasan ng Malakanyang ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na tapusin sa loob ng 30 araw ang imbestigasyon sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero. —sa panulat ni Mara Valle