Nanawagan ng pasensya at sakripisyo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng Pilipino.
Ayon sa Pangulo, katulad ng lahat ng Pilipino, galit na galit rin sya sa sitwasyon ngayon ng bansa.
Katulad ng marami, nais rin anya nyang makawala na sa quarantine dahil mistula naman talaga anyang inutil na ang lahat na ilang buwan nang nakakulong sa bahay.
Gayunman, siyensya anya ang pumipigil sa kanya na gawin ito dahil hindi pa talaga napapanahon
Ialay anya natin sa Panginoon ang sakripisyo at pagdurusa natin ngayon dahil naniniwala sya na hindi tayo pababayaan ng maykapal.
You must persevere during this time. Simplehin ko, patience tutal dadating din yan, marunong ang Diyos alam Niya hindi tayo pababayaan, specially Pilipinas kasi Kristyano tayo, magsakripisyo lang tayo ng konti tutal ang ating Idol nagsakripisyo rin; pinaghahampas-hampas, ipinako pa sa krus tayo pasimba-simba, luhod-luhod ka lang dyan. Dedicate it to the Lord that you also suffer,” ani Duterte.