Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat na magtulungan at isantabi ang anomang pagkakaiba ipang magkaroon ng isang legacy na maaaring maiwan sa mga susunod na henerasyon.
Sa mensahe ni Pang.Duterte ngayong ika-35 taong anibersaryo ng edsa sinabi nito na sanay matuldukan na ang anomang pagkaka-iba para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.
Umaasa ang punong ehekutibo na sanay magsilbi ang diwa ng edsa upang maging mapagbantay ang bawat isa para sa demokrasya at mapanatili ang ating karapatan bilang mga Pilipino.
Nawa, giit ng pangulo na maisulong ang panibago pang pag-asa para makamit ang minimithing hangarin para sa bansa.
Hinubog aniya ang ating kasaysayan ng hindi na mabilang na pakikidigma ng ating mga bayani na nagbigay ng inspirasyon sa mga pilipino upang maisagawa ang people power revolution. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)