Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang government media maging ang iba pang mamamahayag na iwasang maging arogante at magsinungaling.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa inagurasyon ng bagong ayos na Malacañang briefing room, kahapon.
Ayon sa punong ehekutibo, mahalaga ang ginagampanang papel ng media upang ipabatid sa mga mamamayan ang mga kailangang constitutional reforms patungo sa paglago ng ekonomiya.
Dapat anyang mahalin ng mga government worker, lalo ang mga nasa communications office ang kanilang tungkulin na palaganapin ang katotohanan sa lahat ng oras.