May sisibakin na namang opisyal ng pamahalaan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inanunsyo mismo ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdalo sa 7th Union Asia Pacific Regional Conference sa Pasay City dahil umano sa pagkakasangkot sa katiwalian ng mga nasabing opisyal.
Bagama’t hindi na idinetalye at pinangalanan pa ni Pangulong Duterte ang nasabing mga opisyal, kanyang sinabi na gagawin niya ang pagsibak bago tumulak patungong Beijing, China.
Sa kaparehong okasyon din inihayag ng pangulo na hindi siya masaya sa kanyang trabaho dahil sa matinding kurapsyon sa gobyerno.
Sangkaterbang letters of dismissal, iiwan ni Pangulong Duterte bago magtungo ng China
Mag-iiwan ng sangkaterbang letters of dismissal ang Pangulong Rodrigo Duterte bago siya umalis patungong Beijing, China ngayong hapon.
Gayunman, hindi tinukoy ng pangulo kung sinu-sino ang mga opisyal ng gobyerno na sisibakin niya.
Inamin ng pangulo na hindi siya masaya sa kaniyang trabaho bilang pangulo dahil sa talamak aniyang korupsyon sa gobyerno.
Wala aniya siyang magagawa kundi sibakin ang mga kurakot na opisyal.
Gayunman, nangako ang pangulo na kahit hindi siya masaya ay tuloy pa rin ang kaniyang pagta-trabaho sa susunod na tatlong (3) taon o hanggang matapos ang kaniyang termino sa 2022.
Sa panulat ni: Judith Estrada-Larino