Isang kakaibang Pangulong Rodrigo Duterte ang makikita ng publiko sa nakatakdang Euro – ASEAN summit na bahagi ng mga pagpupulong sa 31st ASEAN and related summits sa Nobyembre 13 hanggang 15.
Ayon kay ASEAN 2017 National Organizing Committee Chairman Ambassador Marciano Paynor, haharapin ni Pangulong Duterte ang mga dialougue partners bilang chairman ng ASEAN at hindi bilang Pangulo ng Pilipinas.
May tamang venue aniya para ihayag ng Pangulo ang kaniyang posisyon bilang Pangulo ng bansa at ito ay sa nalalapit na bilateral meeting nila ng Pangulo ng European Union.
Magugunita ang madalas na pagbanat at pagbatikos ni Pangulong Duterte sa European Union sa kaniyang mga talumpati dahil sa pakiki-alam nito sa war on drugs ng kaniyang administrasyon.