Mistulang ibinenta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pilipinas sa China.
Ito ang pananaw ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano matapos ang pag-amin ng Pangulo na pinayagan nitong magsagawa ng surveillance operation ang ilang Chinese vessel sa Benham Rise na bahagi ng Philippine Exclusive Economic Zone.
Ayon kay Alejano, hindi mababayaran ng Bilyung-Bilyong Dolyar na investment ng China ang soberanya ng Pilipinas.
Tila pinahiya rin anya ni Duterte ang Departments of Foreign Affairs at National Defense dahil sa halip na konsultahin muna ang dalawang kagawaran ay gumawa ng palihim na hakbang ang Pangulo.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Rep. Gary Alejano sa BNSP
By: Drew Nacino