Mistulang sumuko na si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa kontraktuwalisasyon matapos ang halos dalawang taong kampanya kontra Endo.
Ito’y makaraang ihayag ni Pangulong Duterte sa inagurasyon ng ARMSCOR Indoor Shooting Range sa Davao City na bukas siya para sa isang kompromiso sa issue ng kontraktuwalisasyon.
Ayon sa punong ehekutibo, hindi maaaring basta puwersahin ang mga private employer at business owner tapusin ang labor contractualization lalo’t kung maka-aapekto ito sa kalagayan ng kanilang kumpanya.
Isa ang pagsugpo o pagtapos sa kontraktuwalisasyon o “Endo” sa mga pangako ni Pangulong Duterte noong 2016 Presidential Election.
“Ganoon na nga sana but because there are few businesses to absorb the human resource kaya they want some radical changes, I don’t think that I can really give them all, kasi hindi naman natin mapilit yung mga kapitalista na kung walang pera o ayaw nila o tamad don’t make it hard for them to ran the business the way they like it because that’s their money, so something of a compromise must be arranged”
Posted by: Robert Eugenio