Nanguna ang Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng ‘most googled person’ sa Pilipinas.
Sa inilabas na report ng Time Magazine, iniugnay ang popularidad ni Duterte sa isinasagawa nitong giyera kontra droga.
Maliban kay Duterte, napabilang din ang ilang kontrobersyal na pulitiko sa Google search sa kani-kanilang bansa kasama na sina dating head of state ng Brazil, Lula da Silva at ang nadiskwalipikang presidential candidate sa Peru na si Julio Guzman.
Napasama rin sa listahan ang ilang atleta at American personalities.
Samantala, nakuha naman ni US-president elect Donald Trump ang unang puwesto sa mga google searches sa 88 bansa.