Muling humarap sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang anim (6) na araw na hindi nasilayan sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City, Lanao del Sur.
Sa selebrasyon ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan sa Malacañang, inihayag ni Pangulong Duterte na batid na niya ang sitwasyon sa Mindanao bago pa manalo sa 2016 presidential elections.
Ayon sa Pangulo, inasahan na niyang sisiklab muli ang mahabang bakbakan sa Marawi City habang nasa Moscow, Russia.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Kung rebelyon lamang aniya ang umiiral sa Marawi City ay batid na niya ang solusyon na ilalatag sa problema pero sa pagkakataong ito ay hindi katanggap-tanggap ang pagpasok ng dayuhang ideyolohiya sa bansa.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
‘Marawi will rise again’
Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nagdurusa rin siya gaya ng libu-libong biktima ng bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Pangulong Duterte, mayroon siyang kaanak na nasawi sa gitna ng sagupaan at pinakamalungkot ay umanib ito sa grupong ISIS-Maute.
Gayunman, nilinaw ng Pangulo na hindi siya masaya sa dinaranas na paghihirap ng mga Maranao lalo sa mga namamatay sa pakikipagbakbakan.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Samantala, tiniyak ni Pangulong Duterte ang muling pagbangon ng Marawi at dahil bubuhusan niya ito ng pondo para sa rehabilitasyon.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte