Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga indibidwal na ayaw magpabakuna kontra COVID-19.
Kaugnay nito, inatasan ni Duterte ang mga pulis at Barangay officials na panatilihin sa kanilang mga tahanan ang mga hindi pa nababakunahan.
Itong ayaw magpabakuna, ibigay na lang kaagad sa list A3, doon sa public kung sinong gusto. Iyong ayaw magpabakuna sa listahan nila edi ayaw nila, ibigay na lang sa listahan para makatulong. Itong ayaw mapagbakuna sinasabi ko sa inyo ‘wag kayong lalabas ng bahay, kasi kung lalabas kayo ng bahay, sabihin ko sa mga pulis, ibalik ka doon sa bahay mo, you will be scourted back to your house kasi because you are walking spreader,”wika ng Pangulong Duterte.
Ipinag-utos din ng Pangulo sa mga Barangay Captain na ilaan na lamang ang COVID-19 vaccines sa mga nais na magpabakuna.
Ang mga bakuna intended for them kung wala naman maipasa niyo sa A3 kung ayaw, ‘wag niyo intayin. Let’s give it to the people who want it, for those who dont want it, you can buy anytime, ” pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte.