Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang simbahan sa bisperas ng Traslacion ng poong Itim na Nazareno.
Ito ay kasunod ng pahayag ng rector ng Quiapo Church na si Monsignor Hernando Coronel na hikayatin niya ang mga deboto ng poong nazareno na ipagdasal ang pangulo at iba pang opisyal ng gobyerno sa gaganaping Traslacion sa Miyerkules.
Nilinaw ni Pangulong Duterte na wala siyang laban sa simbahan ngunit dahil naunang bumatikos ang mga ito ay sumagot lamang siya.
Inalala pa ng pangulo ang pahayag ng isang pari na nagmisa sa opisina ni Senador Antonio Trillanes IV na ipagdasal na mamatay ang isang tao.
Sinabi ng punong ehekutibo na hindi ito magandang gawain ng kahit sinong alagad ng diyo na ipagdasal ng masama ang kaniyang kapwa.
Ito umano ang ugat kung bakit sinabi niyang iba ang kaniyang kinikilalang Diyos sa Diyos ng simbahan.