Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay pa rin sa batikos nito sa kampanya kontra iligal na droga ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Pangulong Duterte, napaka-insensitve ang mga pahayag ni Aquino gayong batid naman nito kung gaano na karami ang nagbubuwis ng buhay sa war on drugs.
Kinuwestyon din ng Punong Ehekutibo kung ano ang nagawa ni Aquino upang labanan ang iligal na droga sa anim na taon nito sa puwesto.
By Drew Nacino