Binanatan muli ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Senate Blue Ribbon Committee sa pagdinig nito kaugnay sa multi-bilyong pisong halaga ng COVID-19 purchases ng gobyerno.
Muling binatikos ng Pangulo si committee chair Richard Gordon na tinawag nitong “adversarial” o kalaban, kaya’t hindi aniya lalabas ang katotohanan sa Senado.
Ayon sa Pangulo, parehong judge at prosecutor ang papel ni Gordon sa nasabing pagdinig.
Binigyang-diin muli ng Pangulo na pamumolitika lamang ang pagdinig ng Senado.