Muling binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senate Blue Ribbon Committee Richard Gordon, sa gitna ng pinangungunahan nitong imbestigasyon sa COVID-19 supply procurement ng gobyerno.
Ayon kay Pangulong Duterte, darating din ang araw na mababaligtad din ang ikot ng mundo ni Gordon dahil hindi ito habambuhay nasa pwesto at kapangyarihan.
Iginiit din ng Pangulo na bagaman kinikilala niya ang kapangyarihan ng kongreso, mayroon naman din anyang limitasyon ito.—sa panulat ni Drew Nacino