Tinawag na hipokrito at inutil ng Pangulong Rodrigo Duterte ang EU o European Union.
Sa kanyang pahayag sa mass oath taking ng mga bagong opisyal ng Philippine Councilors League, sinabi ng Pangulo na patuloy na kinokontra ng EU ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga dahil gusto nilang isulong ang pagsasa-ligal ng paggamit ng mga ito.
PAKINGGAN: Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Sinabihan din ng Pangulo ang EU na huwag magmalinis at huwag ipilit sa Pilipinas ang kanilang tinatawag na “moralidad”.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte
Pangulong Duterte handang magbitiw sa pwesto kapag napatunayang may tagong yaman
Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko na patunayang mayroon siyang P200-M sa bangko.
Sa kanyang pahayag sa naturang mass oath taking, sinabi ng Pangulo na nakahanda siyang magbitiw kung mapatutunayang mayroon siyang tagong yaman at gayun din kung masasangkot sa korupsyon ang kanyang mga anak.
Pinuna rin ng Pangulo ang hindi patas na pagre-report ng ilang mamamahayag na pilit umanong binabaligtad ang kanyang mga pahayag, kabilang na ang sa kampanya kontra iligal na droga.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte
By Katrina Valle