Muling bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City.
Ito ay para ipakita ang kanyang suporta sa mga sundalong nakikipagbakbakan pa rin hanggang sa ngayon sa mga natitira pang miyembro ng Maute-ISIS Group.
Ayon sa Pangulo, nais niyang malaman ng mga sundalo at mga taga-Marawi na mahal niya ang mga ito.
Umaasa naman ang Pangulo na mababawi na ng militar sa lalong madaling panahon ang Marawi City mula sa puwersa ng mga terorista.
Samantala, muli ring tiniyak ng pangulo ang pangako nitong pagtatatag ng trust fund para sa edukasyon ng mga anak ng mga sundalo.
By Ralph Obina