Muling nanawagan ang Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Pilipino na magpabakuna kontra COVID-19 kasabay ng kanyang pahayag ng pasasalamat sa mga bansang nagbigay ng suplay ng bakuna sa bansa.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City nang salubingin nito ang pagdating ng Astrazeneca COVID-19 vaccine sa bansa ngayong gabi.
I would like to appeal to all our kababayan please get vaccinated against COVID-19 and be a government partner in preventing further spread of the disease. I encourage you to be vaccinated as soon as possible time these vaccines are safe and they are key for the reopening of our society,”pahayag ng Pangulong Duterte.
Samantala, labis naman ang pasasalamat ng Pangulong Duterte sa mga bansang nag-donate ng bakuna sa mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas at aniya’y isang tanda ng pagiging makatao.
I do not know how to express my gratitude to the donor countries, that you remember the poor nations, is in fact already a plus for humanity and in behalf of the Republic of the Philippines and of the people and all. I’d like to say again that we, felt the gratitude in our hearts and may God bless you for your benevolence, ″ani ng Pangulo.
Matatandaang nasa 8,559 na ang kabuuang bilang ng nabakunahan nitong Marso 3, ilang araw makalipas ang pagdating ng bakunang likha ng Sinovac ng China.—sa panulat ni Agustina Nolasco