Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makikialam sa nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon kay Pangulo, habang siya ay nakaupo sa pwesto, hinding-hindi siya magpapadala ng mga pilipinong sundalo sa Ukraine.
Ito ay kahit pa i-request ng Estados Unidos.
Paliwanag pa ng Pangulo, posibleng mag-spillover ang giyera kung magpapadala ito ng sundalo sa Ukraine.
Samantala, ipinunto pa ng Pangulo ang sinabi ng mga scientist na magiging katapusan ng mundo kung gagamit ng nuclear ang mga nag-aaway na bansa.
Malaki kasi ang magiging epekto nito sa mahabang panahon, na magdudulot ng hirap at pagkagutom. -sa panulat ni Abby Malanday