Muling itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Department Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.
Ito ay habang hinihintay angpag kumpirma ng Commission on Appointments sa pagtalaga kina Bautista at Año.
Nilagdaan ng pangulo ang ad interim appointments nina Año at Bautista nuong December 14 gayundin nina Civil Service Commissioner (CSC) Aileen Lizada na dating Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) board member.
Papalit naman sa iniwang puwesto ni Lizada si dating Police Highway Patrol Group Head Antonio Gardiola, Jr.
Itinalaga rin ng pangulo si Noel Eugene Servigon bilang ambassador to the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Maria Theresa Daza bilang ambassador to Chile with concurrent jurisdiction sa Ecuador at Peru.
Samantala, balik Department of Labor and Employment (DOLE) ang sinibak na undersecretary nitong Joel Maglunsod matapos italaga ng pangulo bilang bagong executive director ng National Maritime Polytechnic (NMP) na nasa ilalim ng DOLE.
Papalitan ni Maglunsod si Romulo Bernardes.
Itinalaga rin ng pangulo si Kelvin Lester King Lee bilang bagong commissioner ng Securities and Exchange Commission (SEC) at papalitan nito si Emilio Aquino.