“Susunod ka na.”
Ito ang muling babala ni Pangulong Duterte kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na kabilang sa kanyang tinukoy bilang narco-politician at drug protector.
Gayunman, hindi nilinaw ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Commemorative Session at Concert Program ng ASEAN Law Association sa Malacañang kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang babala.
Hindi rin pinalampas ng punong ehekutibo na muling balaan ang isa pa umanong narco-politician na sa si Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.
Simula nang ilarga ng Duterte administration ang war on drugs, tatlong alkalde na ang napapatay sa pangunguna ni Rolando Espinosa Senior ng Albuera, Leyte; Samsudin Dimaukom ng Dati Saudi Ampatuan, Maguindanao at Reynaldo Parojinog Senior ng Ozamiz City, Misamis Occidental.