Muling nangako ang Pangulong Rodrigo Duterte na ititigil na ang pagmumura dahil utos anya ito ng Diyos.
Kuwento ng Pangulo, narinig niya ang sinabi ng Diyos na pababagsakin ang sinasakyan niyang eroplano kung hindi sya hihinto sa pagmumura.
Ayon sa Pangulo, nangyari ito habang natutulog ang lahat ng kanyang kasama sa eroplanong sinakyan nila pauwi ng Pilipinas mula sa Japan.
Tiniyak ng Pangulo na susundin nya ang pangakong hindi na magmumura dahil ang pangako sa Diyos ay pangako rin sa mamamayang Pilipino.
Samantala, inamin ng Pangulo na naghahanap rin siya ng tamang timing sa tuwing magbibitiw siya ng pangit na mga salita.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Len Aguirre