Muling pinagmumura ng Pangulong Rodrigo Duterte si UN Rapporteur Agnes Callamard.
Kaugnay ito sa pahayag ni Callamard na sana ay si Kian Loyd Delos Santos na ang huling biktima ng kampanya kontra iligal na droga ng gobyernong Duterte.
Uminit ang ulo ng Pangulo at pinagsabihan ang UN Rapporteur na umuwi na sa kaniyang bansa sa Pransiya dahil kung tutuusin ay mas masahol pa aniya ang batas ng nasabing bansa kumpara sa Pilipinas.
Sa Pransya aniya ay araw araw ang putukan at maaaring i detain ang sinuman ng walang katiyakan kung kailan palalayain.
Hinamon ng Pangulo si Callamard na magtungo sa Pilipinas para personal na makita ang sitwasyon kung paano na contain ang illegal drugs at huwag umaktong nagdidikta sa Pilipinas.
Iginiit ng Pangulo na Republika ito ng Pilipinas at hindi teritoryo ng Pransya kayaw huwag manakot si Callamard at sumakay sa isyu dahil wala naman itong alam sa tunay na nangyayari sa Pilipinas.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
SMW: RPE