Hindi pa rin natatapos ang litanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon at ilan pang kritiko ng administrasyon.
Ito’y sa gitna nang nagpapatuloy na imbestigasyon ng naturang kumite sa umano’y iregularidad sa COVID-19 response fund ng Department Of Health.
Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban convention sa pampanga kahapon, iginiit ni Pangulong Duterte na handa siyang magbitiw sa pwesto sakaling mapatunayan ang alegasyon.
Sabi ng COA wala namang corruption, at walang nawala and they try to form so many side issues, pangsisira lang at ako sasabihin ko sa inyo kung totoo ‘yan I will resign, kung si Duque kinorap niya or anybody and the executive department, maski wala ako sa mga transaction diyan. Being the President of the executive department and of the country talagang mananagot ako,” pahayag ng Pangulong Duterte.
Hindi rin anya dapat makisawsaw sina gordon at ilan pang mambabatas sa trabaho ni Health Secretary Francisco Duque partikular ang paggastos sa pondo para sa COVID-19 response.
Binigyan natin ng trabaho si Duque, binigyan natin ng pera anak ng pating, wag mong pakiaalaman kung merong naiwan at hindi nagastos, Gordon and company should not be stupid really to be dwelling fromhow will the department should be run and how the money should be spent , may programa na si Duque wag mong pakialaman,” wika ng Pangulong Duterte—sa panulat ni Drew Nacino