Nagsagawa ng aerial inspection ang Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ng hapon matapos bahagyang kumalma ang bagyong Ulysses.
Kasama si senador Bong Go nag-ikot ang Pangulo sakay ng helicopter sa Marikina at lalawigan ng Rizal kung saan nalubog sa baha ang maraming kabahayan matapos magdamag na bayuhin ng bagyong Ulysses ang Metro Manila at mga karatig na lugar.
Ayon kay Go, ipinag-utos na ng Pangulong Duterte sa AFP at PNP na i-deploy ang lahat ng available rescue equipment upang mailigtas ang iba pang na trap sa loob ng kanilang bahay.
Una nang inihayag ng Pangulo na nais niyang lumangoy matapos makita ang mga residenteng na trap sa bubong ng bahay nila dahil sa matinding bahang dulot ng bagyong Ulysses.
Subalit pinigilan aniya siya ng PSG at sinabihan siyang bantayan na lang ang kaniyang sarili.