Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng 5 Milyong Pisong pabuya para sa ikadarakip ni Ricardo Parojinog alyas Ardot, buhay man o patay.
Si Ardot ay kapatid ng napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.
Magugunitang nakatakas si Ardot nang salakayin ng grupo ni Chief Insp. Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz City Police ang bahay ng mga Parojinog na nagresulta sa pagkasawi ng alkalde, asawa nito at 14 na iba pa, noong Hulyo 30.
Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng AFP-Eastern Mindanao Command sa Davao City, sinabi ng Pangulo na anuman ang kaugnayan ni Ardot Parojinog sa illegal drug operation ng kanyang kapatid ay dapat na panagutan nito.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
SMW: RPE