Muling nag-alok ng kapayapaan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga teroristang Abu Sayyaf.
Ayon sa Pangulo, handa siyang makipag-usap sa grupo para sa inaasam na kapayapaan sa Mindanao.
Hangad ng Pangulo na mabigyan ng pagkakataon ang naipasang Bangsamoro Organic Law at matigil na ang mga bakbakan.
Sinabi ng Pangulo na handa siyang gawaran ng Order of Lapu-Lapu ang mga miyembro ng Abu Sayyaf oras na magkaroon ng magandang pagkakasundo ang pamahalaan at mga lider ng bandidong grupo.
Ito aniya sa kondisyong hindi siya bibihagin ng Abu Sayyaf sakaling punatahan at makipag-usap siya sa mga ito.
Ang Order of Lapu-Lapu at medalyang ipinagkakaloob sa isang empleyado ng gobyerno o pribadong indibidwal na nagpamalas ng hindi matatawarang serbisyo na alinsunod sa kampanya o adbokasiya ng Pangulo.