Nag-sorry si Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos kasunod ng kanyang kontrobersiyal na ‘stupid God’ remark.
Ito ang inamin ng Pangulo sa naging meeting nila ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Movement kamakalawa.
Ngunit binigyang diin ni Duterte na tanging sa Diyos lamang siya hihingi ng paumanhin.
“If it’s the same God, I’m sorry, that’s how it is. Sorry, God. I said sorry, God. If God is taken in a generic term by everybody listening then that’s well and good.”
“But I only apologize to God and nobody else. If I wronged God, he would be happy to listen. Why? Because my God is all-forgiving. Why? Because God created me to be good and not bad.” Ani Pangulong Duterte
Nagpatutsada pa ito sa kanyang mga kritiko na huwag gamitin ang Diyos sa pag-atake sa gobyerno.
“You can criticize us anything at all. Never, never use the name of God as a front to attack government. Do not use God to attack government. There is a separation of power between the church and government. Why don’t you just go there and help and feed people?” Pahayag ng Pangulo
Matatandaang bago ito ay pumasok ang Pangulo sa ceasefire sa Simbahang Katolika matapos ang maiinit na pahayag nito laban sa Diyos.
Samantala, ikinalugod naman ng ilang senador ang pahingi ng sorry ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, nagpapasalamat siyang naliwanagan na ang Pangulo.
Aniya, hindi na mahalaga kung kaninong Diyos ito nag-sorry lalo’t iisa lang naman ang Diyos sa buong universe.
Samantala, sinabi naman ni Senador Joel Villanueva, tanging ang Diyos na lamang ang makapaghuhusga kung may sinseridad ang ginawang pagso–sorry ng Pangulo.
Umaasa pa si Villanueva na mapamumunuan na ni Pangulong Duterte ang bansa sa higit na pagkakaisa at may respeto sa paniniwala ng bawat isa.
—-