Aminado ang Malakanyang na ikinagalit at ikinadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magkasunod na pambobomba sa isang simbahan sa Jolo, Sulu.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi naiwasang magalit ang pangulo dahil sa kabila ng martial law at pagpupursige na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao ay mayroon pa ring mga naghahasik ng gulo.
Hindi naman mabatid ni Panelo kung may mga opisyal na mapaparusahan o masisibak sa pwesto lalo’t malinaw na nagkaroon ng security lapse.
Gayunman, hihintayin pa aniya ni Pangulong Duterte ang resulta ng imbestigasyon bago mag-desisyon.