Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na iipitin ang disbursement ng pondo sa ilalim ng 2022 proposed national budget.
Ito’y matapos akusahan ng Pangulo ang mga Senador na nagtatangkang pilayin ang gobyerno sa pamamagitan ng pagtatapyas sa budget allocations sa gitna ng Senate Blue Ribbon Committee hearing sa umano’y anomalya sa procurement ng pandemic supplies.
Sa kanyang talk to the people, hinamon ni Pangulong Duterte ang mga Senador, sa pangunguna ni Committee Chairman Richard Gordon na ituloy na lamang nito ang bantang pag-ipit sa pondo ng ilang government agency.
Nanindigan din ang punong ehekutibo na hindi siya natatakot kahit pa ang kanya mismong tanggapan ang tanggalan ng budget.—sa panulat ni Drew Nacino