Pinagbibitiw ng punong ehekutibo ang mga incompetent na mga tauhan at opisyal ng Toll Regulatory Board (TRB).
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ‘wag na dapat pang hintayin ng mga ito na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte pa ang mag-utos na sibakin sila.
Pero ani Roque, hindi lang ang mga tauhan ng TRB ang kailangang isaayos at pagbutihin ang kanilang serbisyo, kung ‘di pati na rin ang iba pang mga regulatory body.
Nauna rito, sinabi ng Pangulo sa kanyang talk to the nation kagabi, na batid niya ang pinanggagalingan ng galit ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian hinggil sa palpak na pagpapatupad ng cashless system sa mga tollgates ng NLEX.
Kasunod nito, nagpasalamat si Gatchalian kay Pangulong Duterte dahil sa pag-iintindi nito sa tunay na problema sa naturang sistema.
Gusto ko magpasalamat sa ating Pangulo dahil na-validate niya or na-affirm niya yung action namin na may karapatan naman kami. Pangalawa, ang importante dun sa mensahe niya yung sinabi niya nga na karapatan nyan ng mga local government unit kasi kung matatandaan niyo early on sinasabi ng NLEX wala kaming kapangyarihan na gawin yun. Pero kagabi, the President being a long time Mayor— 25 years, alam niya na business permit is enshrined and inherit in our power so, napakalaking milestone yun na talaga yung Pangulo mismo kinilala,” ani Gatchalian.