Ibinabala ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ibayo pang paghihigpit ngayong nananatili pa rin ang pandemya.
Ito ayon sa Pangulo ay kapag patuloy na nagpasaway ang maraming tao sa pagsunod sa health protocols.
Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung anong paghihigpit ang ipatutupad niya subalit umaming nababahala sa pagtaas ng kaso ng COVID- 19 sa Bacolod at Cagayan De Oro kung saan marami ang tila wala nang pakialam sa pandemya.
Iginiit ng Pangulo na nasa kapangyarihan niya ang paghihigpit sakaling malagay sa panganib ang kalusugan ng ibang tao.