Iginiit ng Pangulong Duterte na malabong ilagay mismo ang pangalan ng isang pulitiko o opisyal ng gobyerno sa isang transaksyon , kontrata o papeles kung ito ay ilegal.
Mga kababayan ko mahirap lang kami… kapag binanggit ang mga pangalan ni Sec. Lorenzana, Galvez, Duque kapag ginamit ang pangalan, the mere fact na ginamit ang pangalan wala yan.”ani ng Pangulo.
Kaugnay nito, binalaan din ng Pangulo ang mga nasasangkot sa ganitong uri ng trabaho at inihalimbawa sa mga parasites at linta.
On the other hand, kung malaman namin madisgrasya ka pa, yung mga tao na nag-iikot ang sabi nila lalakarin nila, alam niyo ang gawin niyo kung nagbigay na kayo ng pera…sakasakin na lang ninyo, saksakin na lang ninyo, wag mong barilin kasi maingay madali kang mahuli, saksakin na lang. Ito yung mga parasites, mga linta… kasi kung alam mo straight ka ang contract mo maganda, kumpleto walang kulang, you dont want to convince anybody that it is really good, because it is really,” wika ng Pangulo.
Samantala hinimok naman ng Pangulong Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na bilisan ang imbestigasyon kaugnay dito at aniyay iharap sa kanya ang mga madadakip,
I am calling the NBI to double your time na hulihin ito, hulihin ninyo ito tapos, ipa-detain niyo sa gabi, bago ninyo dalhin sa korte, idaan niyo nga sa Malakanyang, tingnan ko lang pagmumukha nito, ang sarap kasi mag-ganon ng mukha yung mukha ng tao paliitin mo,marami kasing sumbong sa akin dito e’, pahayag ng Pangulong Duterte. —sa panulat ni Agustina Nolasco