Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kaibigan at kaaway na iwasang i-sabotahe ang 2022 elections.
Ayon kay Pangulong Duterte, nais niyang maranasan ng mga pilipino sa kanyang huling terminokung paano magkaroon ng malinis na halalan sa Mayo 2022.
I’m warning everybody, everybody, kasama ko sa partido o hindi, o kaibigan kita o hindi, kalaban kita, itong election na ito huwag mo talagang, — ‘wag kang magkamali kasi nandiyan pa ako of course the I think supreme body during the election is the COMELEC, I will just also coordinate with the COMLEC I will not allow fraud ,” pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nanawagan din ang Pangulo sa mga magkakalabang pulitiko at tribal group,lalo sa Mindanao, na iwasan ang karahasan.
Kabilang sa mga tinukoy ng Pangulo ang New People’s Army na hindi anya dapat makisawsaw sa eleksyon.
I am appealing to the leaders both, sa lahat ng tribo, wag kayo manggulo kasi, I said if you do not follow…disarmahan lahat ng tao and then kulungin ka,” wika ng Pangulong Duterte.