Maraming papalit sa inyo.
Ito ang babala ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tiwaling pulis na agad aniyang tatanggalin sa pwesto oras na gumawa ng pagkakamali.
Maraming gustong maging, we are producing graduate of criminology maybe thousands of them. Maraming gusto magpulis so kayo hindi ko kayo, konting pagkakamali lang diretsong labas na kayo at maraming papalit sa inyo,″ ani ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit ng Pangulo, na hindi siya magdadalawang isip na tanggalin ang mga ito.
Alam mo, kayo bang mga gago, hindi ako magdalawang isip na ma-dismiss kayo, alam mo kung bakit? Maraming Pilipino diyan sa labas na walang trabaho , nangangailangan ng trabaho. There are lot of Filipinos jobless, qualified but no opportunity, kaya ako ang sabi ko huwag na yang suspension, suspension ‘pag nagmisconduct… dismiss mo na kaagad,”wika ng Pangulong Duterte.
Samantala, nagpaalala naman ang Pangulo sa mga nagnanais maging pulis na huwag magbayad sa mga tiwaling pulis na nag-aalok ng oportunidad na makapasa sa board exam kapalit ng salapi.
Also yung mga gustong magpulis ‘wag kayong magbigay . Sabi ko sa inyo kung mayroong maghingi papasa kayo, pahirapan kayo 8888 sabihin mo kung sino yung tao. Huwag mo na lagay pangalan mo report mo lang. Kung gusto mo punta ka rito sa aking opisina, sabihin mo lang sa gwardiya na gusto mo magreklamo dahil ganon. Sabi naman ni Mayor pwede kami lumapit sa kanya, sa opisina niya, nakikinig naman yang mga , basta totohanan yan hihingi ng pera ano-anong kalokohan yan. Lahat babae o lalaki na maging pulis. Anything that is out of the rules papatulan ko ‘yan,″pahayag ng Pangulong Duterte.
Matatandaang inisa-isa ng Pangulo ang pangalan ng mga tiwaling miyembro ng PDEA na inalis sa pwesto sa kanyang isinagawang pulong balitaan kagabi.—sa panulat ni Agustina Nolasco