Nagbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte na susuwayin niya ang anumang utos ng korte kaugnay sa quarantine protocols dahil ang pagtugon sa pandemya ay itinuturing na national interest.
Kasunod na rin ito nang isinampang petisyon ng dalawang abogado sa Cebu na humihiling sa korte na ideklarang inapplicable o hindi uubra sa lalawigan ang protocols ng gobyerno para sa mga papasok na travelers.
Binigyang diin ng pangulo na hindi dapat makialam ang korte sa usapin dahil hindi ito ang tamang pagkakataon para paganahin nito ang kanyang kapangyarihan.
Ikinuwento pa ng pangulo na nakipag kita sa kanya nuong isang linggo si Cebu Governor Gwen Garcia kung saan tiniyak niyang patas sila at nakita naman niya ang punto nito bagamat hindi siya sang ayon dito.