Ang kaya niyo, kaya kong gawin.”
Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa New People’s Army (NPA) matapos muling umatake ang mga ito sa bayan ng Buenavista sa Quezon Province nitong nakaraang Sabado.
Kaugnay nito, sinabi ng Pangulo na walang usapang pangkapayapaan ang magtatagumpay sa kaniyang administrasyon o kahit kanino man kung ‘di titigil ang NPA sa pag-atake sa pwersa ng pamahalaan at civilian leaders.
Binigyang diin din ng Pangulo ang ginagawang pagtulong ng pamahalaan sa publiko sa panahon ng pandemya ngunit insensitibo rito ang mga NPA.
What you can do, I can do better ten times over, murder to plunder and to just for this year, brutality of it all you want to kill all soldiers. You are insensitive of the plight of the people na kailangan ng pagkain pati tulong ng gobyerno, hindi ka naman kulang sa tulong bilyon ‘yang amin,” ani Duterte.