Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang panukalang 3.757 trillion pesos na 2019 national budget.
Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, sinabi ni Duterte na hindi siya magdadalawang-isip na i-veto ang nasabing pondo kung makitaan niya ito umano ng butas.
Aniya, sa ngayon ay pinag-aaralan pa niya ang laman ng pambansang budget kabilang na maging ang mga umano’y insertion dito.
Natanggap ng Palasyo ang kopya ng 2019 General Appropriations Bill noong March 26 matapos ang hindi pagkakasundo ng Senado at Kongreso sa nilalaman nito.
“Eh hindi magkasundo ang Congress pati ang Senado eh, pati yung mga insertions diyan titignan ko. Pagka tagilid talaga, I will not hesitate to veto the entire budget. Eh ‘di pasensya tayong lahat.” Pahayag ni Duterte
—-