Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na isisiwalat niya sa panahon ng kampanya kung bakit hindi siya maaaring sumuporta sa ilang mga kandidato sa 2022 elections.
Binanggit naman ng presidente ang mga dating senador na sina Bongbong Marcos at Manny Pacquiao na kapwa tumatakbo sa pagka-Pangulo para sa 2022 elections.
Nabatid na hindi nagustuhan ng Pangulo ang ‘turn of events’ sa tanggapan ng Comelec o Commission on Elections kung saan naghain ang ilang kandidato ng COC o certificate of candidacy na hindi inaaasahan ang mga posisyong tatakbuhan.
Kabilang sa mga naghain ng kandidatura sa pagka-bise presidente si Mayor Sara Duterte-Carpio habang sa pagka-pangulo naman ang tatakbuhan ni Sen. Bong Go.