Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sususpindihin nito ang writ of habeas corpus matapos ang naging pahayag ng isang senador kaugnay ng government contracts.
Ang naging banta ng punong ehekutibo ay kasunod ng komento ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kaugnay sa paghimok nito na maingat na busisiin ng pamahalaan ang mga government contracts.
Ayon sa Pangulong Duterte, maraming problema ang bansa at dahil sa mga ito nagbanta siya na magdedeklara ng suspensyon ng writ of habeas corpus at ipaaaresto niya ang kanyang mga kritiko.
“I have enough problems with criminality, drugs, rebellion and all. Pero pag ako ang pinaabot ninyo nang sagad but if you push me to limit, I will declare the suspension of writ of habeas corpus and I will arrest all of you. Kasama kayo sa mga rebelde, mga kriminal pati mga durugista” Pahayag ni Pangulong Duterte.
Dagdag din ni Pangulong Duterte may posibilidad din aniya na magdeklara siya ng revolutionary war hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino kapag siya ay sinagad.