Labing limang (15) araw lamang ang ibinigay ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Foreign Affairs para mag-update sa imbestigasyon nito kay Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro na nanakit ng kaniyang kasambahay.
Ayon ito kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., matapos matanggap ang presidential directive na nag-aatas sa DFA na imbestigahan ang pang aabuso ni Mauro.
Sinabi ni Locsin na kaagad naman siyang bumuo ng fact finding team para tutukan ang usaping kinasasangkutan ni Mauro.
Ang team ay binubuo nina Consul General Ezzedin Tago, Jaime Ledda, Narciso Castanieda at Atty. Ihna Alyssa Marie Santos.
Ipinabatid ni Locsin na nagpapatuloy na ang administrative proceeding.