Nagbigay na ng ultimatum si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga rebeldeng new people’s army o NPA bunsod ng kaliwa’t kanang pananambang sa mga tropang militar
Ito’y makaraang bumisita ang Pangulo sa Camp Panacan sa Davao City para sa burol ng apat na sundalong nasawi sa pananambang ng mga NPA sa Compostella Valley
Sa pahayag ng Pangulo, dapat nang tumigil sa pananambang ang mga rebelde kung talagang nais ng mga ito na muling magpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo
“Decide now, gagamit ba tayo ng landmine, I will order the armed forces to prepare the explosives also, para tabla, if the talks fail meron tayong usapan, I would insist you include the landmine issues or else not talks at all, then we fight for another 45 years walang problema mag recruit ako ng isang milyong Pilipino”. Pahayag ni Pang. Duterte.
Hindi rin naitago ng Pangulo ang kaniyang pagkadismaya at nakahanda aniya siyang gamitin ang buong puwersa ng gubyerno para lipulin ang mga rebelde at itigil na ang peace talks
“I am now invoking the Geneva Convention, it is part of the international law not only of the Philippines but around the world, either you stop it or we stop talking, fight na lang another 45 years, ba’t nakakababa ba kayo kung namamatay ang tatay nyo, ang nanay mo, kayo ba pag birthday ba ng mga anak nyo nakakababa ba kayo, is it the life you really need, yung mga leader nyo hindi naman nananalo, so anong gusto ninyo, I hear another explosion killing people not only soldiers killing people, no talks, pasensya na kadre, yan talaga ang buhay kung hindi tayo magka intindihan eh di good.”dagdag ni Pres. Duterte.
By: Jaymark Dagala