Pinagtibay ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pangakong makikipag-tulungan para sa sama samang pag-unlad ng iba’t ibang bansa.
Bahagi ito ng naging talumpati ng pangulo sa pagsisimula ng Belt and Road Forum sa Beijing.
Gayunman, kasabay nito ay nagpaalala ang pangulo sa bawat bansa na huwag maging pala asa sa tulong ng ibang bansa.
Pangulong Duterte hindi dumalo sa gala dinner
Hindi nakadalo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa gala dinner ng Belt and Road Forum sa Beijing.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagkaruon ng migraine ang pangulo kayat nagpasya itong lumiban na lamang sa gala dinner para sa mga world leaders na dumalo sa pagbubukas ng forum.
Bago pa ang gala dinner ay dalawang high level meetings na ang nadaluhan ng pangulo sa China National Convention Center at sumaksi rin sa paglagda sa 19 na trade investment deals ng Pilipinas
Inaasahang ngayong araw na ito ay makakasama ang pangulo kay Chinese President Xi Jinping para sa welcome ceremony ng Belt and Road Forum sa Yanqui Lake International Conference Center.
Dalawa pang high level roundtable session ang nakatakdang daluhan ng pangulo bago lumipad pauwi ng Davao City mamayang gabi.