Walang nakikitang ligal na batayan si dating afp chief of staff at dating mambabatas na si Rodolfo Biazon sa pagpapawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnesty kay Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Biazon, kung sa tingin ng pangulo na mali ang paggagawad ng amesty kay Trillanes, posibleng mali rin ang iginawad na amnesty kina Dating B/Gen. Danilo Lim, Dating Capt. Nicanor Faeldon, Gerardo Gambala, Gary Alejano at Milo Maestrecampo.
Dahil dito, sinabi ni Biazon nagbukas lang umano si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagdududa hinggil sa kredibilidad ng mga institusyon sa pamahalaan.
Sa huli, nanindigan si Biazon na dumaan sa tamang proseso ang pagbibigay ng amnestiya kay Trillanes dahil ito’y may basbas o concurrence na nagmula sa dalawang kapulungan ng kongreso at inaprubahan ng pangulo na siyang commander – in – chief.